Duterte-iron-fist

A lot of netizens are openly expressing their views in social media about the coming elections in the Philippines. While browsing Facebook, we came upon this post by Glenn Mark Camansi sharing why he is voting for Mayor Rodrigo Duterte for President. Here is the full transcript of his post:

Bakit si Duterte para sa akin ?

Tatay Digong ,

Kamusta na naman ang buong araw mo napagod ka ba sa dami ng taong kinawayan , kinamayan at nginitian mo . kung sabagay parang sa postura mo hindi kita maaninagan ng pagkapagod.

Naalala ko noon ng una kitang makilala sa isang artikulong ginawa ni Gob. Manny Piñol sa kanyang FB page tungkol sa isang Lider mula sa Mindanao na maaasahan kapag serbisyo publiko ang pag – uusapan at ang estilo ng iyong liderato sa iyong pamumuno.

Ng mga sandali na yon ay umpisa na ng paglutang ng maglalaban – laban para sa darating na Eleksyon kahit mahigit isang taon pa bago ang araw ng halalan.

Dahil nga sa nabasa kong Artikulo ni Gob. Piñol at dahil na rin sa palaisipan sakin kung sino ba ang Rody Duterte na ito kaya hinanap kita sa mga social media at iba pang searching site.

Ikaw pala ang kasalukuyang alkalde ng pinakamalaking Lungsod sa buong Pilipinas ang Lungsod ng Davao , sabi ko nga ng tinignan ko ang haba ng pamununo mo sa Davao ay mahigit 20 taon
papaano mo kinaya na Pamunuan ang ganung kalaking Lungsod at maging progresibo kung saan man ito ngayon.

Andyan ang Central 911 na sa pagkakaalam ko ang Estados Unidos at Canada lamang ang mayroon nito , ang Disiplina sa Trapiko , Bawal ang paputok atbp. Kahanga – hangang serbisyo.

Doon pa lang bumilib na ko sayo , habang nagpaparinigan at nagumpisa ng magbatuhan ng putik ang ibang kandidato , pinalutang ka ni Gob. Piñol bilang isang alternatibong Lider na pwedeng maging Pangulo at ganun rin ang magkakapatid na Tulfo.

Yung mga sandaling yun tinawanan mo lang ang mga balita na yun , sabi mo wala kang ambisyon sa ganyang bagay dahil mahirap maging Pangulo. Sapat na ang Davao para sayo. Noong mga sandali na yun ng mapanood ko ang iyong nasabi aminado ako nasaktan ako.

Ngunit hindi natinag si Gob. Piñol at ng iilan pa kung saan nanawagan na sila para sa iyo para ikunsidera mo ang Pagka-PanguLo. At isa narin ako nun sa katunayan nga nung Setyembre 2015 sa Luneta kasama ako sa libo – libong mamamayan na humimok sayo para tumakbo ka pero hindi mo kami sinagot ng oo , matigas parin na hindi , noong mga panahon na yon ay nasa Zamboanga ka at isa ka sa nakikipagnegosasyon sa nagaganap na hostage taking. Pero nag-iwan ka ng Mensahe na hindi mo kami papabayaan kaya muli kaming nabuhayan.

Hindi ako tumigil at naniniwala na hindi ka tatakbo , tuloy – tuloy parin ang kampanya at pagpapakilala ko sayo sa mga kaibigan at katrabaho ko kahit na madalas napapaaway na ko at nakikipagdiskusyon , dumating pang sa puntong nasabihan akong baliw dahil sa pagpipilit ko na tatakbo ka kahit ayaw mo.

Buwan ng Oktubre , huling pasahan ng Candidacy kahit may pasok ako kinahapunan sumaglit ako sa COMELEC sa intramuros para magbigay ng Suporta umaasa na may isang Rodrigo Duterte ang magfifile ng Candidacy pero wala nadurog na naman ang puso ko noon ngunit buti na lang andun si Sir Martin Diño at nagfile ng Candidacy nya.

Alam ko na nasa rules of elections pwede ang substitutions hanggang Disyembre 10, 2015 kaya umaasa parin ako , sunod – sunod ang presscon mo kahit nag-iikot ka sa buong Bansa para sa Federalismo parehas parin ang tugon mo matigas na ” Hindi ” sabi mo matanda ka na , wala kang pera at Pagod ka na. Durog na durog na naman ako nung mga panahon na yon.

Simple lang naman ang hangarin ko hindi pansarili bagkus mas ikabubuti ng marami , nagsasawa na kasi ako sa paulit – ulit na pang-aabuso ng makakapangyarihang Pulitiko sa mga tulad naming ordinaryong tao at mamamayan. Pagod na Pagod na kami sa paulit – ulit na paghihirap ng Gobyernong ito sa amin. Gusto kong maranasan ang kapayapaan at seguridad tulad ng sa Davao , gusto kong magamit ng tama ang aming binabayad na buwis at hindi mapunta sa bulsa ng iilan.

Sa buong buhay ko , unang pagkakataon kung mapaluha para sa isang Pulitiko , ng mga panahon na yun ang tanging nasambit ko lang na hindi parin ako bibitaw hanggang hindi natatapos ang Disyembre 10, naniniwala ako na posible pa.

At nangyari na nga ang pagkakataong ilang buwan ko rin pinagdasal at pinagpursigihan sa Wakas nakuha narin namin ang iyong mailap na “oo”

Batid kong hindi ka perpektong tao pero hindi yun ang naging batayan ko para hindi ka piliin , ang nakita ko sayo ay liderato , polisiya , disiplina , tapang at malasakit.

Sunod – sunod ang batikos nila sayo , durog na durog ka sa mga maduming akusasyon na hindi naman totoo , nadamay na pati ang dati mong asawa na may sakit na Cancer , ang mga anak mo at iba pang malalapit sayo.

Lahat ng ito ay gusto ko po sanang ihingi ng tawad mula sa inyo , pagpasensyahan nyo po sana kami ng dahil sa amin kaya gumulo ang tahimik nyong buhay , ng dahil samin kaya kayo binabanatan ng ganito , ng dahil samin kaya kayo nahihirapan ng ganito. Patawarin nyo po sana kami.

At higit sa lahat , salamat Mayor dahil sa pagpapaunlak mo na tanggapin ang malaking hamon na ito. Salamat dahil handa kang pagsilbihan ang bayan at labanan ang Mali. Salamat at mayroon na ulit akong Tatay , Tatay naming lahat.

At bilang anak hindi kami papayag na unti – unti kang hatakin pababa , nandito lang kami , mas dumarami mas umaalab , mas nabubuhay dahil sa pag-asang iyong hatid.

Maraming Salamat Tatay Digong umasa ka na hinding hindi parin kami bibitaw hanggang makamit natin ang tunay na Pagbabago.

I am Glenn Mark Camansi and My President is Rodrigo Duterte ✊

#Duterte2016 #DU30 #Federalismo #TapangAtMalasakit #DigongAlltheWay
#DuCay2016

>>>>SHARE YOUR THOUGHTS

Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

You must fill in your Disqus "shortname" in the Comments Evolved plugin options.

You must fill in your Livefyre SiteID in the Comments Evolved plugin options.

No Trackbacks.